-- Advertisements --
Hinihintay pa ni US Secretary of State Antony Blinken ang North Korea kung nais nitong tumugon sa diplomasyang isinusulong ng US para sa denuclearization sa Korean Peninsula.
Kasunod ito sa nangyaring personal na pagpupulong nina US President Joe Biden at South Korean President Moon Jae-in.
Sinabi ni Blinken na nasa North Korea na ang desisyon kung tutugon ito sa nasabing pag-uusap.
Target kasi nila ngayon na makamit ang total denuclearization ng Korean Peninsula.
Mula kasi noong maupo si Biden ay tila lumayo ang loob ng North Korea sa makailang beses na hiling nito ng diplomacy kumpara noong panahon ni dating US President Donald Trump na tatlong summit ang ginanap sa pagitan ng kanilang lider.