Ipinadala ng Estados Unidos ang top General for the Middle East doon sa Israel sa gitna ng pangamba na pagganti ng airstrike ng Iran sa Israel matapos masawi ang 2 sa senior Iranian commanders sa Syria noong Abril 1.
Ang hakbang na ito ng US ay kasunod na rin ng pahayag ni President Joe Biden na nananatiling ironclad ang suporta ng Amerika para sa Israel sakaling umatake ang Iran.
Makailang ulit na kasing nangako ang mga lider ng Iran na kanilang papanagutin ang Israel sa kanilang pag-atake sa konsulada ng Iran sa Syria.
Sa pagtungo ni American Commander Gen. Michael E. Kurilla sa Israel makikipag-ugnayan ito sa naturang bansa sa inaasahang retaliatory action ng Iran at tatalakayin ang giyera laban sa Hamas sa Gaza gayundin ang humanitarian aid operations sa lugar.