Ikinababahala ngayon ng mga Venezuelans ang maaaring maging epekto ng pagbabawal ng US Department of Transportation na makapasok sa United States ang lahat ng commercial at passenger cargo flights na magmumula sa Venezuela.
Ito ay matapos ang sunod sunod na natatanggap nitong reports patungkol dumadaming kaso ng karahasan sa South America.
Isa umano sa magiging negatibong dulot nito ay ang pagpapadala ng mga panustos na pagkain at inumin na karaniwan ay isinasakay sa mga cargo planes.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Homeland Security, ang kasalukuyang hinaharap ngayon na krisis ng Venezuela ay maaaring magdulot ng takot sa seguridad at kapakanan ng mga pasahero at mga crew na sakay ng eroplano.
Hindi naman nagbigay ng komento patungkol dito ang Information Ministry ng Venezuela.
Ayon naman sa Laser Airlines, pananatilihin nito ang serbisyo sa United States sa pamamagitan ng layover sa Dominican Republic.
Hindi naman daw maaapektuhan ang operasyon ng Copa Airlines sa kahbila ng desisyong ito ng United States at patuloy lang din ang operasyon nito sa mga flights sa pagitan ng Caracas at international hub sa Panama City.