-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng US ang ginawa nilang air strikes laban sa Talibang fighters sa Kabul, Afghanistan.
Ayon kay Col. Sonny Leggett, tagapagsalita ng US forces, na maraming mga sibilyang nadamay sa ginawang pag-atake ng mga Taliban sa Helmand provinces.
Ginawa lamang nila ang nararapat para hindi na dumanak pa ang dugo sa nasabing lugar.
Nauna ng inakusahan ni Taliban spokespeerson Qari Muhammad Yousuf Ahmadi ang US na lumabag sila sa Doha agreement sa pamamagitan ng pagsasagawa ng matinding atake.
Nakasaad kasi sa kasunduan sa US-Taliban na pinirmahan sa Doha na dapat lumayas ang mga foreign forces sa Afghanistan para magarantiyahan ang seguridad.