-- Advertisements --
Ipinakita ng US ang kanilang makabagong B-21 stealth bomber.
Ang high-tech stealth bomber ay kayang magdala ng nuclear at conventional weapons.
May kakayahan din ang B-21 Raider na lumipad kahit na walang sakay na piloto.
Nagkakahalaga ito ng nasa $700 milyon at isa sa pinakabagong US bomber sa dekada.
Papalitan nito ang B-1 at B-2 aircraft na ginamit pa noong Cold War.
Ayon kay US Air Force spokesperson Ann Stefanek na ang B-21 ay magiging alalay nila sa mga makabagong bomber na siyang magtatanggol sa US at mga kaalyadong bansa nito.
Inaasahan na sa unang bahagi ng 2023 ay lilipad ito kung saan plano rin ng US Air Force na bumili ng nasa 100 piraso nito.