Naging epektibo na ngayong araw na ipinatupad ng US ang pagpataw ng 25 percent na taripa sa mga produkto ng Mexico at Canada.
Dinoble rin ni US President Donald Trump ang taripa sa lahat ng mga produkto ng China na mula sa dating 10 percent at ginawa na niya ito ngayong na 20 percent.
Ayon sa White House na kahit na binigyan ni Trump ang Canada at Mexico ng sapat na pagkakataon para bawasan ang pamamayagpag ng cartel activity at paglaganap ng lethal drugs na nakakarating sa US ay bigo silang tugunan ang sitwasyon.
Ang nasabing taripa ay nagbabanta sa pagtaas ng presyo na binabayaran ng mga Americans sa mga produkto.
Karamihan na mga produkto na mahaharap sa mga taripa ay ang sasakyan, car parts, electronics kasama ang mga mobile phones, computers na karamihang dinadala ng Mexico, Canada at China patungong US.