Habang umiigting ang girian ng Amerika at Iran, lumutang naman ang isyu na 500 pang US troops ang inaasahang darating sa Prince Sulatn Air base sa Saudi Arabia.
Una nang dumating ang mga support personnel na siyang hahawak sa mga Patriot missile defense battery na siyang dedepensa sa Saudi mula sa ipapalipad na mga missiles ng mga kalaban.
Noong nakaraang buwan lamang ay nag-anunsiyo ang administrasyon ng pagpapadala ng reinforcement ng 1,000 tropa sa Middle East.
Hindi naman nabanggit kung anong partikular na bansa ide-deploy ang mga ito.
Nito lamang nakalipas na araw, pinabagsak umano ng US Navy ang Iranian drone sa Strait of Hormuz.
Ito mismo ang kinumpirma ni US President Donald Trump matapos daw na lumapit ang nasabing drone sa kanilang amphibious assault ship.
Giitvpa ni Trump isang uri lamang aniya ng pagdedepensa ang ginawa ng USS Boxer dahil sa mayroong 914 meter ang layo ng nasabing unmanned aerial vehicle.
“I want to apprise everyone of an incident in the Strait of Hormuz today, involving #USSBoxer, a U.S. Navy amphibious assault ship. The BOXER took defensive action against an Iranian drone,” bahagi ng Twitter message ni Trump.
Gayunman pinaninindigan pa rin hanggang ngayon ng Iran na wala silang unmanned aerial vehicle na pinabagsak ng aircraft carrier at baka pa raw sarili ito ng US.
Ginawa ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif ang pahayag kasunod nang anunsiyo ni US President Trump na ang tumira sa drone ng Iran ay ang USS Boxer.
Nagbanta naman ang pinuno ng Revolutionary Guard Hossein Salami sa sinumang bansa na aatake sa kanila.
“Iran has adopted a defensive strategy but if our enemies make any mistakes… our strategy can become an offensive one,” ani Salami sa pahayag sa semi-official Tasnim news agency.