-- Advertisements --
Sisimulan ng US sa susunod na buwan na isanay ang mga sundalo ng Ukraine sa paggamit ng kanilang Abrams tanks.
Ang US M1A1 Abrams tanks ay ipapadala sa kalagitnaan ng Mayo sa Grafenwoehr, Germany.
Nasa 250 na sundalo ng Ukraine ang sasailalim sa 10 linggong isasanay ng mga sundalo ng US.
Ang nasabing mga tangkeng pandigma ay matagal ng hinihintay ng Ukraine para tuluyang mapalayas ang mga Russia.