-- Advertisements --

Hiniling ng US sa United Nations General Assembly na suspendihin ang Russia mula sa Human Rights Council.

Ayon kay US Ambassador to the United Nations Linda Thomas-Greenfield ang nasabing hakbang ay matapos na akusahan ng Ukraine ang Russia sa pagpatay ng maraming mga sibilyan sa bayan ng Bucha.

Ito na kasi ang ikalawang taon ng three-year term ng Russia sa Geneva-based council.

Maaring masuspendi ang isang bansa sa kapag makakuha ng two-third majority vote ng 193-member assembly sa New York.

Sinususpendi nila ang mga miyembro nila kapag laging nakakagawa ng paglabag sa karapatang pantao.

Dagdag pa nito na tila hindi seryoso ang Russia sa pagsali sa Human Rights Council kaya nararapat na siya ay tanggalin.