-- Advertisements --

Naglabas ng travel warning ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa bansang Germany at Denmark.

Ito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Dahil sa nasabing insidente ay itinaas ng CDC sa Alert Level 4 o Very High ang nasabing dalawang bansa.

Ibinaba naman sa level three mula sa dating level 4 ang travel warning sa Israel, Aruba, US Virgin Islands, Curacao at Guadeloupe.