-- Advertisements --
Itinanggi ng US ang akusasyon ng Venezuela na mayroong silang planong patayin si President Nicolas Maduro.
Ayon kay Interior Minister Diosdado Cabello na mayroon silang mga naaresto na tatlong US citizens, dalawang Spaniards at isang Czech national dahil sa tangkang destabilisation sa bansa.
Inakusahan pa nito ang CIA na siyang nag-utos sa mga ito para sa assasination ni Maduro.
Nakakuha pa ang mga otoridad ng nasa 400 na mga baril.
Mariing pinabulaanan ng US ang alegasyon kung saan walang basehan ang nasabing usapin.
Magugunitang kinukuwestiyon ng US at Spain ang pagkapanalo ni Maduro noong halalan sa buwan ng Hulyo dahil sa pandaraya na ang dapat nanalo ay si Edmundo Gonzalez.