-- Advertisements --

Nilinaw ng Amerika na hindi ito sangkot sa pagpatay sa Russian General na nasa likod ng atrocities sa ikinasang operasyon ng Ukraine.

Ayon kay US State Department spokesman Matthew Miller, walang alam dito ang Amerika at hindi ito sangkot sa pagpatay kay Igor Kirillov, ang head ng Russian army’s chemical weapons division.

Subalit muling binigyang diin ni Miller ang nauna ng assessment ng Amerika, na si Kirillov na na-assassinate simula pa ng salakayin ng Russian forces ang Ukraine, ay ipinag-utos ang paggamit ng riot control agents sa giyera na paglabag aniya sa Chemical Weapons Convention.

Sinabi din ni Miller na ang naturang Russian General ay sangkot sa serye ng atrocities. Sangkot din ito sa paggamit ng Chemical weapons laban sa Ukrainian military.

Ginawa ng US official ang paglilinaw matapos akusahan ni Russian Foreign Ministry spokeswoman Maria Zakharova ang western allies ng Ukraine na kasabwat umano sa asasinasyon sa Moscow.