-- Advertisements --

Dumistansya ang US sa alegasyon ng Lebanon na sila ay sangkot sa mga naganap na pagsabog ng mga pager at 2-way radio.

Ayon kay National Security Council spokesperson John Kirby na walang basehan at kahit anumang anggulo ay hindi sila sangkot sa insidente.

Una rito ay lumabas ang mga usapin na ipinaalam ng Israel sa US ang gagawin nilang pag-atake.

Nakausap umano ni Defense Secretary Lloyd Austin si Israeli Defense Minister Yoav Gallant at tinalakay ang nasabing planong pag-atake.