-- Advertisements --
Nilinaw ng US na hindi sila sangkot o kasama sa ginwang paglusob ng Ukraine sa Russia.
Sinabi ni US State Department spokesperson Vedant Pael na ang papel lamang ng US ay suportahan ang Ukraine sa pagtanggol ng kanilang bansa.
Nananatili aniya silang nakatutok para matiyak na nadedepensahan ng Ukraine kanilang bansa.
Una rito ay inakusahan ng Russia ang US na sinamahan nila ang Ukraine noong lusubin ang bahagi ng Kursk region.