-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong ang US special representative for North Korea sa mga opisyal ng Japan at South Korea.

Ayon sa US State Department, magtutungo si US Ambassador Sung Kim sa Honolulu mula Peberero 10- 15 para maging host ng trilateral meeting.

Tatalakayin ng mga bansa ang denuclearization sa Korean Peninsula.

Dadalo sa nasabing usapin sina apanese Director-General for Asian and Oceanian Affairs Funakoshi Takehiro at South Korea’s Special Representative for Korean Peninsula Peace and Security Affairs na si Noh Kyu-duk.

Kahit na naka-ban ang North Korea sa pagsasagawa ng nuclear tests at ballistics missile launches ng United Nation Security Council ay itinuloy pa rin nila ito.