Nangakong magbibigay ng P1.6 billion ang United States, Japan at Korea sa loob ng limang taon para matulongan ang Pilipinas na mapabuti ang health services sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nagsanib pwersa ang US Agency for International Development (USAID), Japan International Cooperation Agency (JICA) at ang Korea International Cooperation Agency (KOICA) para mas mapa-unlad pa ang Universal Health Care sa rehiyon.
Sa ilalim ng Memorandum of Cooperation, ang tatlong ahensya ay makikipag-ugnayan sa BARMM’s Ministry of Health (BARMM-MOH), Department of Health (DOH), local communities at iba pang key stakeholders para sa mas maayos na health information systems.
Dadagdagan din nila ang public health financing; itataguyod ang mahusay na public health practices; palalawakin ang mga de-kalidad na healthcare services, at pagbubutihin ang access sa mga mahahalagang gamot, pasilidad, at kagamitan.