Isang U.S. journalist, na kinilala bilang si Jeffrey Goldberg, ang aksidenteng nai-add sa isang group chat kung saan pinag-usapan ng mga mataas na opisyal ng Estados Unidos kabilang sina US Defense Secretary Pete Hegseth at US Vice President JD Vance, ang mga nalalapit na airstrike laban sa mga Houthi rebels sa Yemen.
Inamin ng White House ang security breach nitong araw (Lunes sa America), at sinabi nilang aksidenteng nadagdag ang isang numero sa isang chat.
Maalalang ang mga airstrike, na inanunsyo ni US President Donald Trump noong Marso 15, ay pinangungunahan ng mga detalye na ibinahagi sa chat, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga target at oras ng pag-atake, na hindi ipinahayag ni Goldberg.
Sa kabila ng pagkakaroon ng leak, tinawag ni Trump ang airstrike bilang “very effective.”
Ayon kasi sa kumalat na leak ng Estados Unidos nagpadala umano si US Defense Secretary Hegseth ng detalyadong impormasyon tungkol sa strike, pati na ang oras ng pagsabog nito sa bahaging parte ng Yemen kung saan naka base ang Houthi rebels.
Nagdulot naman ito ng matinding galit sa mga Democrats, kung saan sinabi ni US Senate Minority Leader Chuck Schumer na ito raw ay paglabag sa military intelligence at nag-demand ng agarang imbestigasyon.
Habang pinuna rin ni US Senator Jack Reed ang kumalat na leak at sinabing ang kawalan ng pagiingat ng mga gabinete ni Trump ay maituturing na mapanganib.