Hinatulan ng korte sa Russia na makulong ng 16 na taon si US journalist Evan Gershkovich.
Ang Wall Street Journal reporter ay unang inaresto noong Marso sa Yekaterinburg City na may layong 1,600 kilometers ng Moscow.
Inakusahan siya ng prosecutors na nagtatrabaho sa Central Intelligence Agency (CIA).
Mariing pinabulaanan ito ni Gershkovich maging ang Wall Street Journal.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang US journalist ang hinatulan dahil umano sa pang-iispiya sa Russia mula noong sumiklab ang Cold War mahigit 30 taon na ang nakakaraan.
Mayroong 15 araw ito para iapela ang nasabing hatol na ito ng judge.
Pagtitiyak naman ni Wall Street Journal publisher Almar Latour na gagawin nila ang lahat para makalaya si Evan.
Nanguna naman si European Union Foreign policy chief Josep Borrell at British Prime Minister Kier Starmer sa nagkondina sa ginawang ito ng Russia.