Isang hukom sa U.S. ang pansamantalang nagpatigil sa kautusan ni dating Pangulong Donald Trump na ilipat ang transgender women sa mga kulungang panlalaki at ihinto ang kanilang gender-affirming care.
Sa naging desisyon ni U.S. District Judge Royce Lamberth, pabor siya sa tatlong transgender inmates na nagsampa ng kaso laban sa polisiya, na kanilang sinabing labag sa konstitusyon.
Ayon sa mga nagsampa ng kaso, mas mataas ang panganib na makaranas ng karahasan at pang-aabusong sekswal ang transgender women kung dadalhin sila sa men’s prisons, na lumalabag sa kanilang karapatan laban sa “cruel and unusual punishment.”
Ang kautusan ni Trump ay nag-aatas sa gobyerno na kilalanin lamang ang dalawang kasarian base sa biological sex at ihinto ang pagpopondo sa gender-affirming medical care ng mga bilanggo.
Sa kasalukuyan, may 2,230 transgender inmates sa U.S., kung saan karamihan sa 1,506 transgender women ay nakapiit sa men’s prisons.