-- Advertisements --

Ibinasura ng judge sa US ang hiling ng Paradigm Sports Management na huwag ituloy ang laban ni Manny Pacquiao kay Errol Spence Jr sa August 22.

Ito ay matapos na maglabas ng kautusan si Judge Walter Schwarm sa pagbasura sa hirit ng Paradigm.

Isinaad ni Schwarm sa kaniyang desisyon na mahina ang ebidensiya na isinumite ng sports management.

May tsansa pa ang nasabing sports management na ipahinto ang laban dahil ang final ruling ay gagawin ng Superior Court ng California ngayong araw.

Nagmula ang nasabing kaso ng Paradigm dahil lumabag umano ang fighting senator sa naging kasunduan na ang lalabanan niya dapat ay si Mikey Garcia.

Bagay na mariin namang kinontra ni Pacquiao at sinabing wala naman siyang anumang nilabag,