-- Advertisements --

Walang nakitang anumang ebidensya ang US Justice Department na mayroong naganap na dayaan sa nakaraang halalan.

Sinabi ni Attorney General William Barr, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nila napapatunayan ang alegasyon ng dayaan.

Dagdag pa nito na kasama nila ang Department of Homeland Security na imbestigahan ang nagaganap na dayaan subalit wala silang nakitang anumang ebidensiya.

Isa sa alegasyon na kanilang tinignan ay kung mayroong pandaraya ang makina na ginamit sa pagbibilang ng boto subalit lumabas na wala itong katotohanan.

Kinontra naman ng kampo ni US President Donald Trump ang pahayag ni Barr kung saan sinabi nina Attorney Rudy Giuliani at Jenna Ellis na ang opinyon nito ay nagpapakita na wala itong kaalam-alam sa imbestigasyon.