-- Advertisements --
Nagbabala ang US Embassy sa Kabul, Afghanistan na hindi nito masiguro ang ligtas na dadaanan para sa mga Amerikano patungo sa paliparan upang makatakas sa Afghanistan.
Ito ay kahit pa binibigyang diin ng Pentagon na nagbigay ng katiyakan ang Taliban na maging ligtas ang kanilang pagbiyahe.
Naglabasan ang mga ulat na patuloy ang pangha-harass ng mga Taliban at pambubugbog sa mga checkpoints.
Dahil dito, naglabas ang US Embassy sa Kabul ng paalala na hindi matiyak ng US government na maging ligtas ang kanilang daanan patungog Hamid Karzai International Airport.
Ngunit sa news briefing naman ng Pentagon, tiniyak sa kanila ng Taliban na makakalabas ng Afghanistan ang mga American citizens na mga US passport holders.