Tiwala si US President Joe Biden na magbibigay ng maraming trabaho sa mamamayan ng Amerika at makakatulong na makabawi sa ekonomiya ang kaniyang pinirmahang panibagong executive order.
May kaugnayan ito sa pagtugon sa climate change na kinabibilangan ng pag-ban sa ilang energy drilling.
Layunin ng nasabing kautusan ay upang mai-freeze ang mga bagong “oil at gas lease” sa mga pampublikong lupain at doblehin ang paggawa ng wind-energy pagdating ng 2030.
Ayon kay Biden, kinakailangang pamunuan ng Amerika ang global response ng naranasang climate change crisis.
Aniya, kagaya ng COVID-19, kinakailangan din ang unified national response may kaugnayan sa climate crisis lalo pa’t kasalukuyan tayong nakakaranas ngayon ng climate crisis.
“I set ambitious goals of achieving a carbon pollution-free power sector by 2035 and net-zero emissions by 2050. Today, I took bold action to advance those goals,” ani Biden. “Tackling climate change will take every lever and agency of the federal government. That’s why I’ve launched a whole-of-government approach to deal with the crisis.” (wiht report from Bombo Jane Buna)