Isinama na ng World Health Organization ang mga US health experts na nagtungo sa China para pag-aralan kung paano mapigilan ang coronavirus.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na isa ang grupo mula sa US Centers for Disease Control and Prevention at US National Institute of Health ang kasama.
Makakasama nila ang mga eksperto mula sa Japan, Germany, Nigeria, Russia, Singapore, Korea at Nigeria.
Binubuo ito ng mga eksperto sa epidemiology, virology, clinical management, outbreak control at public health.
Nakikipag-ugnayan ang grupo sa mga Chines experts para sa pag-aaral kung paano kumalat ang virus at ang hakbang na ginawa dito ng China.
Magugunitang nag-alok ng tulong ang US kung paano mapigilan ang virus subalit tila hindi ito pinansin ng China.