-- Advertisements --

Kinasuhan ng US government ang search engine company na Google.

Inakusahan nila ang nasabing kumpanya ng paglabag sa competition law para mapanatili ang monopolya sa internet searches at online advertising.

Isinampa ng US Department of Justice ang kaso sa federal court kasama ang 11 estado na binubuo Arkansas, Florida, Georgia, Indiana, Kentucky, Louisiana, Mississippi, Missouri, Montana, South Carolina at Texas.

Tinawag naman na isang kahinaan ni Google SVP Global Affairs and Chief Legal Officer Kent Walker ang nasabing kaso.

Sinabi pa ni Walker na kaya gumagamit ng google ang mga tao dahil wala na silang mahanap na iba pa.