Kinondena ng Estados Unidos ang mapanganib na paglapit ng isang Chinese military helicopter sa isang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagpapatrolya sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson, dapat ihinto ng China ang mga “coercive actions” at lutasin ang alitan sa mapayapang paraan alinsunod sa pandaigdigang batas.
Ang Philippine Liberation’s Army (PLA) Navy helicopter, na may tail number 68, ay lumipad nang tatlong metro lamang mula sa BFAR aircraft noong Martes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Sinabi rin ng PCG na malinaw itong paglabag sa mga regulasyon ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Ayon sa National Maritime Council, hindi matitinag ng agresibong kilos ng China ang Pilipinas sa pagpapatuloy ng maritime operations nito sa Bajo de Masinloc. Nakahanda na rin ang gobyerno na magsumite ng isang pormal na diplomatic protest laban sa insidente.