Kinondena ng Estados Unidos ang anila’y mapanganib na aksyon ng mga puwersa ng China laban sa Pilipinas matapos ang panibagong insidente sa West Philippine Sea noong Sabado.
Sinabi ng US State Department sa isang press statement na inilabas nitong weekend na naninindigan ang United States sa panig ng Pilipinas at kinokondena ang mga pangha-harass ng People’s Republic of China (PRC) laban sa mga legal na operasyon ng Philippine maritime sa West Philippine Sea noong Marso 23.
Sinabi ng Tagapagsalita ng Kagawaran na si Matthew Miller na ang paulit-ulit na paggamit ng mga water cannon ng People’s Republic of China at pagharang ay nagresulta ng pagkasugat ng ilang miyembro ng Filipino service at malaking pinsala sa kanilang resupply vessel.
Una na ring iniulat na binatikos din ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang China Coast Guard nitong Sabado dahil sa pagkasira ng isang Filipino supply vessel malapit sa Ayungin Shoal gamit ang water cannon at pagkasugat ng mga sakay nito.