-- Advertisements --

Kinondina ang US ang ginawang paglapit ng barko ng China sa kanilang US destroyer na nasa Taiwan Strait.

Ayon sa US Military na delikado at lubhang mapanganib ang ginawa na ito ng China.

Nagsasagawa kasi ang US at Canada ng joint exercises sa lugar na malapit sa isla na naghihiwalay sa China at Taiwan ng biglang dumaan sa harapan ng US guided-missile destroyer Chung-Hoon ang isang barko ng China.

May layo lamang ito na 137 meters kaya napilitan silang bagalan ang takbo ng kanilang barko.

Una rito inakusahan ng China ang US at Canada na tila nag-uudyok ng kaguluhan sa nasabing lugar.

Itinuturing kasi ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.

Magugunitang noong nakaraang linggo lamang ay dumaan sa harapan ng fighter jet ng US ang isang Chinese fighter plane habang nasa bahagi ng West Philippine Sea.