-- Advertisements --
U.S. President Donald Trump na nakikipag-usap sa mga mamahayag habang nilagdaan nito ang mga executive order sa Oval White House, Washington ngayong Martes (US time), Peb. 4 , 2025. SOURCE: Screenshot from AP Photo/Evan Vucci

Kumalas na ang Estados Unidos mula sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) at sinabi ni US President Donald Trump na ititigil na nito ang pagbibigay ng pondo sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA).

Ang desisyong ito ay kasunod ng matagal nang mga kritisismo ng U.S. laban sa parehong mga institusyon, partikular sa mga akusasyong na umano’y may kinikilingan ang mga ito laban sa Israel.

Ginawa ni Trump ang anunsyo sa isang pulong kasama si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na matagal nang nagpahayag ng matinding pagtutol sa parehong UNRWA kung saan inakusahan ni Netanyahu ang mga organisasyong ito na umano nagpapalaganap ng anti-Israel sentiment at antisemitism.

Kasama sa mga bagong executive orders ni Trump ang isang pagsusuri sa pakikilahok ng U.S. sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization at muling pagsasaalang-alang ng kontribusyon ng U.S. sa U.N., na binigyang-diin ang pangangailangang tugunan ang “malalaking pagkakaiba” sa financial support sa pagitan ng iba’t-ibang bansa.

Sa pagtataya ang Estados Unidos ay may pinakamalaking binibigay na pondo sa U.N., na mayroong 22% share ng pangkalahatang badyet ng U.S. na umaabot sa $300 million hanggang $400 million taon-taon at nito ngaring Enero ng nakaraang taon ipinagpaliban din ni dating US President Joe Biden ang pagbibigay ng matapos nga ang mga akusasyon ng Israel sa UN.

Samantala ang desisyon ni Trump na putulin ang pondo para sa U.N. ay patuloy na nagpapakita ng kanyang ‘American First’ na patakaran, na inuuna ang interes ng mga Amerikano.

Kilala ang UNRWA, bilang institusyon na nagbibigay ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at humanitarian aid sa mga Palestinian refugee mula pa noong 1949.