-- Advertisements --

Nananatili sa pagamutan si US legendary guitarist Carlos Santana matapos na ito ay mawalan ng malay.

Nangyari ang insidente sa kasagsagana ng kaniyang open-air concert sa Detroit, Michigan.

Sa kaniyang social media, ikinuwento ng 74-anyos na nakalimutan niyang kumain at uminom ng tubig kaya ito ay na-dehydrate at nawalan ng malay.

Sinabi naman ng kaniyang manager na si Michael Viroins na patuloy na ito ay patuloy na gumagaling.

Dahil na rin sa insidente ay napilitan silang ilipat sa ibang petsa ang nakatakda sana nilang concert sa Burgettstown, Pennsylvania.
Sumikat ang Mexican-born guitarist noong dekada 60 at 70 na nanguna sa rock n’ roll at Latin American Jazz.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng banda ay ang “Black Magic Woman” , “The Game of Love” , “Oye Cumo Va” at maraming iba pa.