Kinumpirma ng Department of Justice na maaaring nalalapit na ang Estados Unidos sa pagsusumite ng extradition request sa Pilipinas .
Ito ay upang mapunta sa kanilang kustudiya ang umanoy sexual trafficker na si KOJC Pastor Apollo Quiboloy.
Si Quiboloy ay pinaghahanap ng mga otoridad sa US dahil sa pagkakasangkot nito sa mga kasong sex trafficking at cash smuggling.
Pinaghahanap si Quiboloy ng Fdderal Bureau of Investigation mula pa noong 2021.
Ayon kay DOJ Usec. Nicholas Felix Ty, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na formal request mula sa US.
Una nang sinabi ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na kailangan munang harapin ni Quiboloy ang mga kaso nito sa Pilipinas.
Paliwanag ni Ty, ang request ay kailangan munang dumaan sa Department of Foreign Affairs bago ipasa sa DOJ.