-- Advertisements --

claveria1

Nasa 24 na kahon gawa sa kahoy na naglalaman ng mga US made warheads at rockets ang narekober ng Philippine National Police Maritime Group sa Claveria, Cagayan.

Sa report ng PNP EOD Team kay PNP Chief Gen. Debold Sinas narekober ang mga nasabing pampasabog mula sa isang mangingisda na siyang nagdala sa mga kahon sa karagatan.

Iniimbestigahan na rin ngayon ng PNP-CIDG ang nasabing mangingisda.

claveria3

Ang specific details ng mga narekober na pampasabog ay ang sumusunod:
LOT RHHE-6-MCA-67
NATIONAL STOCK NUMBER
1340-00-725-8382-H842
“00” code assigned to US bilang country of origin
warheads 2.75″ rockets
Warhead Model: M151,HE
Fuze Model: M427

Sa 24 na mga crates na narekober, 17 dito ay may markang inert,demo/practice warhead 2.75 inch rocket habang ang pitong iba na kaparehong size ay may markang (HE) high explosive at ang metal case ay may markang 20mm cartridge.

claveria2

Matapos ang isinagawang technical evaluation ng mga otoridad, lahat ng mga recovered items ay nanatili muna sa kustodiya ng Maritime Police para sa gagawing imbestigasyon.

Nabatid na ang mga narekober na kontrabando ay negatibo sa explosives at hazardous chemicals.

Posible na ang mga nasabing pampasabog ay ginamit nuong kasagsagan ng Joint PHL-US Balikatan exercises at SIMEX.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang PNP EOD/K9 unit sa kanilang US counterpart hinggil dito para mabatid kung nagkaroon ng military exercises sa Claveria, Cagayan kung saan narekober ang mga crates.