Tiwala is US President Joe Biden na manunumbalik na sa normal ang pamumuhay ng kanilang bansa sa July 4 o kasabay ng US Independence Day.
Sa kaniyang unang primetime address bilang pangulo na ipapanawaga nito na lahat ng mga may edad na ay mabakunahan na sa Mayo 1.
Sa kasalukuyan kasi ay nabibigyang ng prioridad ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang edad o sa kondisyon ng kanilang kalusugan.
Ang kaniyang pagtalumpati ay kasabay ng isang taon ng ipatupad ng US ang lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan mahigit kalahating milyon na sa US ang nasawi.
Una rin ipinangako nito na sa kaniyang ika-100 na araw na panunungkulan ay mayroon ng 100 milyon na sa US ang mababakunahan at ito ay makakamit sa kaniyang ika-60 araw na panunungkulan sa Marso 20.