-- Advertisements --

Nakatakdang magbigay ng dagdag na $1 million ang Estados Unidos sa Amerika sa Pilipinas na gagamitin para humanitarian aid na pangangasiwaan ng USAID at World Food Programme.

Sa pagbisita ni Austin sa Malakanyang kaniyang inihayag na binigyan na nito ng otorisasyon ang lahat ng US forces na nasa bansa para tumulong sa nagpapatuloy ng rescue, relief and rehabilitation efforts ng pamahalaan.

Ito ay bunsod sa naging pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Ang dagdag na $1 million na tulong ay bukod pa sa 100,000 pounds na suplay na kanilang ibinigay sa mga naunang bagyo at napapatuloy pa rin ang pagtulong para mas mabilis na makabangon ang Pilipinong lubahang naapektuhan ng kalamidad.

Ang alyansa ng Pilipinas at Amerika ay lalong pinatatag sa nakalipas na 40 taon.

Sa pulong napag-usapan nina Pang. Marcos at Sec. Austin kung ano pa ang ibang mga tulong na pwedeng ibigay ng US sa Pilipinas.

Sa kabilang dako nagpa-abot naman ng pakikiramay at panalangin ang Amerika sa Pilipinas at sa mga Piliping dumanas ng hagupit ng anim na magkasunod na bagyo.