Inanunsiyo ni US Secretary of State Antony Blinken ang dagdag na $700 milyon na military aid sa Ukraine.
Isingawa nito ang anunsiyo sa pagbisita niya sa Kyiv para mas lalong palakasin din ang energy grid dahil sa nalalapit na winter season.
Kasama niyang bumiyahe sa Ukraine si British Foreign Secretary David Lammy kung saan ipinakita ang buong suporta sa Ukraine sa paglaban nito sa Russia.
Sinabi ni Blinken na ang tulong ay para sa humanitarian support ganun din ang pagtanggal ng Ukraine ng mga nakatanim na mine.
Sa panig naman ng UK , sinabi ni Lammy na mayroon silang inlaan na $3.9 bilyon kada taon para sa Ukraine.
Ang nasabing hakbang ay bilang tugon na rin sa makailang ulit na panawagan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyadong bansa na dapat ay bilisan nila ang pagbibigay ng tulong militar.