-- Advertisements --
Nakatakdang magbigay ng donasyon si US President Joe Biden ng 500 milyon doses ng Pfizer COVID-19 vaccines sa iba’t ibang mga bansa sa susunod na taon.
Ito ang naging pagtitiyak ni Biden sa ginanap na virtual COVID-19 summit sa UN General Assembly.
Ang nasabing dagdag na bakuna ay magbibigay ng total na donasyon ng US na aabot na sa isang bilyon.
Nais kasi ni Biden na maging “arsenal of vaccines” ang US.
Base sa mga eksperto, kailangan ng 11 bilyon doses para mabakunahan ang nasa 70 percent ng populasyon sa buong mundo.
Ipinanukala din ng World Health Organization (WHO) sa mga bansa na dapat ay mabakunahan na nila ang kanilang 40% na populasyon hanggang sa katapusan ng taong 2021.