-- Advertisements --
PPEs Covid Duque Covid PGH

Magbibigay umano ng karagdagang ayuda na aabot sa $5.9 million o katumbas ng P298-milyon ang Estados Unidos para sa COVID-19 response ng Plipinas.

Sa anunsyo ng US Embassy, bilang bahagi ng tulong, magiging katuwang ng US Agency for International Department ang 18 local government units sa buong bansa na pinakaapektado ng COVID-19.

Layunin umano nito na maisulong ang epektibong crisis management at maging ang pagpapatupad ng response plans.

Welcome naman kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang panibagong bugso ng tulong para sa Pilipinas.

“This latest assistance builds on our long-standing relationships with local government units across the Philippines, and represents our continued commitment to our Filipino friends, partners, and allies in this time of crisis,” saad nito.

Una nang nagbigay ng P269-milyong ayuda ang Estados Unidos, na inilaan para sa laboratory at specimen-transport systems ng gobyerno ng Pilipinas.

Nag-donate rin ang Estados Unidos ng 1,300 na kama sa ilang mga health facilities.

Sa kabuuan, aabot na sa P768-milyon ang kabuuang ayuda na ibinigay ng US sa bansa.