Nagpadala ng karagdagang 1,000 na sundalo ang U.S. sa Middle East matapos ang paglabas ng ilang ebidensiya na may kinalaman ang Iran sa pagpapasabog ng oil tanker sa Gulf of Oman.
Sa larawan na kuha ng US Navy helicopter na tinatanggal ng Iranian forces ang hindi sumabog na mga limpet mine sa Japanese-owned ship na Kokuka Courageous.
Makikita rin sa kabilang bahagi ng tanker ang malaking butas mula sa nasabing mine.
Ayon sa US military Central Command na malinaw ang ebidensiya na kanilang nakalap na talagang may direktang kinalaman ang Iran.
Ipinagtanggol naman ni acting Defence Secretary Patrick Shanahan ang pagdagdag nila ng sundalo sa middle east ay para mapigil ang anumang balak ng mga Iranian forces at ilang grupo na kanilang mga kasama.
Magugunitang dalawang oil tanker ang pinasabog sa Gulf of Oman noong June 13.