Binabalak umano ng United States ang pagtatayo ng international military coalition upang mas lalo pang higpitan ang pagbabantay sa karagatan sa paligid ng Iran at Yemen.
Layunin ng naturang plano na ito na panatilihin ang freedom of navigation sa rehiyon na magbibigay ng mas maayos na ruta para sa mga trade transactions.
Ayon kay Marine General Joseph Dunford, kasalukuyang nakikipag-usap ang US sa iba’t ibang bansa upang suportahan ang kanilang plano.
Aniya, magbibigay umano ang Estados Unidos ng control at command sa mga barko na maglalabas pasok sa naturang karagatan.
Dagdag pa ni Duford, handa raw na direktang makipagtulungan ang Estados Unidos sa tropa militar upang malaman ang kakayahan ng bawat bansa na susuporta sa balak nito.
Kung matatandaan, inakusahan ng US ang Iran dahil sa di-umano’y pagpapasabog nito sa dalawang oil tanker sa Oman na kaagad namang dinepensahan ng Iran at sinabi na inosente sila sa nangyaring insidente.