-- Advertisements --

Kumpiyansa si US President Donald Trump na makakagawa na sila ng bakuna laban sa coronavirus bago ang November 3 election.

Sinabi nito na maraming mga bakuna ang US na sumasailalim sa mga matinding pagsusuri at posible bago matapos ang taon ay magkakaroon na ang kanilang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.

Taliwas naman dito ang paniniwala ni US health expert Dr. Anthony Fauci na magkakaroon na ng bakuna ang US laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng taon.

Magugunitang naglaan ng maraming pondo ang US para sa paggawa ng bakuna para sa makagawa ng bakuna laban sa COVID-19.