Inanunsiyo ng US Department of Defense na maglalagay sila ng mga advanced military capabilities sa bansa sa pagsisimula ng Balikatan joint military exercise.
Kabilang na ilalagay nila ang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS).
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ginawang pagbisita sa bansa ni US Defense Secretary Pete Hegseth.
Nagkasundo ang US at Pilipinas na palakasin ang ugnayan laban sa anumang banta sa Indo-Pacific.
Kasama na rin dito ang $500 milyon na foreign military financing at ilang mga security assistance ng US sa military modernization ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Hegseth na ang nasabing system ay makakatulong para masanay ang mga sundalo ng US at Pilipinas gamit ang mga makabagong kagamitan para sa pagdepensa ng bansa.
Ikinagalak naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr ang deployment ng NMESIS deployment kung saan makakatulong ito sa pagbabago military capabilities ng bansa.