-- Advertisements --

Maglalagay si US Secretary of State Antony Blinken ng kaniyang senior official para tutukan at suportahan ang mga babaeng Afghan.

Sa ginagawang congressional hearing tungkol sa US withdrawal sa Afghanistan sinabi nito na kanilang babantayan kung nabibigyan ng karapatan ang mga kababaihan gaya sa access sa edukasyon, health care at sa trabaho.

Paliwanag naman ni Blinken na minana lamang nila kay dating US President Donald Trump ang pag-alis sa mga sundalo sa Afghanistan at hindi ito nagmula sa pamumuno na ni President Joe Biden.

Naniniwala ito na kapag mananatili pa ang mga sundalo ng US ay magtatagal pa ang giyera sa Afghanistan ng karagdagang lima hanggang 10 taon.