-- Advertisements --
image 358

Plano ng Pentagon na magpadala ng 2 Iron dome missile defense systems sa Israel ayon sa kumpirmasyon ng Israeli at US officials.

Una ng binili ng US ang Iron dome batteries mula sa Israel na planong ipahiram sa war-torn country para depensahan ang kanilang estado mula sa missile strikes.

Subalit ayon sa Israeli official, tanging ang hardware lamang ang ipapadala at iooperate ito ng Israeli military at hindi ng US operators.

Humiling ang Israeli officials ng karagdagang Irone dome batteries sa naging pagbisita nina Secretary of State Anthony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin sa Israel.

Ang Iron dome ng Israel ay mahalaga sa pagdepensa nito sa mga kabisera nito laban sa rockets na pinapakawalan ng mga militanteng grupo sa Gaza at Lebanon.

Kamangha-mangha din ang pagiging epektibo nitong maharang ang libu-libong rockets at iba pang short-range projectiles na mapanganib lalo na kung tumama ang mga ito sa mataong teritoryo ng Israel.