Magbibigay ang US government ng karagdagang mahigit 8 million doses ng Pfizer-BioNtech sa Pilipinas at Bangladesh na matindi ding naapektuhan ng pandemiya dulot ng COVID-19 disease.
Inanunsiyo ng opisyal ng White House na ang limang shipment na nasa kabuuang 5,575,050 doses ang mapupunta sa Pilipinas na nakatakdang ipadala sa susunod na linggo habang nasa mahigit 2.5 million doses naman ang ibibigay ng US sa Bangladesh.
Ito na aniya ang maituturing na largest ever na binili at donasyon ng COVID-19 vaccines ng isang bansa.
Iginiit pa ng opisyal na kailangang ma-eliminate sa buong mundo ang virus upang matuldukan ang kinakaharap na pandemya.
Sa kasalukuyan, nasa 10 porsyento pa lamang ng populasyon ng Bangladesh ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang nasa mahigit quarter pa lang ng adult population sa Pilipinas ang fully vaccinated.