Iniulat ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na magpapadala muli ang Estados Unidos ng dagdag na 5.3 million doses ng Pfizer laban sa COVID-19 para sa Pilipinas.
Ayon kay Sec. Locsin, ito raw ang kinumpirma sa kanya ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.
Sinasabing si Romualdez ay kagagaling lamang sa ASEAN meeting kasama ang National Security Council nang ibulong nito kay Sec. Locsin ang report na aabot pa sa 5.3 million doses ng Pfizer ang darating sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX.
Sa ngayon ang naibigay na tulong na ng US government para sa COVID response ng Pilipinas ay umaabot na rin sa katumbas sa P1.9 billion.
Umaabot na rin sa 9 million doses ng COVID vaccine ang naibigay sa Pilipinas bilang donasyon sa ilalim ni US President Joe Biden.