-- Advertisements --

Nakatakdang magpadala ang US ng advanced anti-missile system sa Israel.

Sinabi Pentagon spokesperson Pat Ryder na ang pagpapakalat nila ng Terminal High-Altitude Area Defense (THAAD) battery ay siyang makakatulong sa air defense system ng Israel.

Bukod pa dito ay kasamang ipapadala ng US ang mga sundalo na siyang mag-ooperate ng anti-missile system nila.

Magugunitang inihayag ni US President Joe Biden na kanilang susuportahan ang Israel laban sa mga bansang lulusob sa kanila.