-- Advertisements --

Magpapadala ang US ng kanilang carrier strike group, fighter squadron at karagdagang warships sa Middle East.

Kasunod ito sa patuloy na tension na nararanasan matapos na magbanta ang Iran na sila ay gaganti matapos na mapatay ang senior Hamas Leader sa Tehran.

Ipinag-utos ni Defense Secretary Lloyd Austin ang USS Abraham Lincoln strike group na palitan ang USS Theodore Roosevelt strike group na kasalukuyang nasa Gulf of Oman.

Mayroon pang dagdag na destroyers at cruisers na kayang magdala ng ballistic missile defense na ipapadala sa Middle East at Mediterranean Sea.

Mayroon ng USS Wasp amphibious assault ship ang US sa rehiyon kung saan nag-ooperate ito sa 24th Marine Expeditionary Unit na may kapasidad na mag-evacuate sa mga mamamayan nilang maiipit sa kaguluhan.