Magpapadala ang US military ng mga makabagong fighter jets sa Japan.
Ayon sa US Defense Department na bahagi ito ng $10-bilyon upgrade na kanilang puwersa sa bansa.
Sa mga susunod na taon ay maisasakatuparan na ito bilang pagpapalakas ng alyansa ng Japan at US para paigtingin ang kapayapaan at katahimikan sa nasabing rehiyon.
Kinabibilangan ito ng 48 na fifth generation F-35A fighter na papalitan nila ang 36 na F-16s na nakatalaga sa Misawa Air Base sa northern, Japan, 36 na bagong F-15EX jets na nakatalaga sa Kadena Air Base sa southern Okinawa na papalitan nila ang 48 na mga lumang F-15C/D models na una na nilang inalis.
Dagdag pa ng Pentagon na kanilang aayusin din ang mga nakatalagan F-35B aircraft na nasa isla ng Honshu.
Magugunitang noon pang mga nagdaang taon ay naging mahigpit na ang alyansa ng US at Japan para tugunan ang anumang banta laban sa Russia, China at North Korea.