Ipinag-utos ni US Defense Secretary Lloyd Austin ang deployment ng F-35 at F-16 fighter jets ganun din ang USS Thomas Hudner destroyer sa Middle East.

Ang nasabing hakbang ay bilang kasagutan sa aktibidad ng Iran sa Strait of Hormuz.

Sinabi ni Pentagon deputy press secretary Sabrina Singh na dahl sa nakakaalarmang kaganapan sa Strait of Hormuz, ay isinagawa ni Austin ang nasabing kautusan sa US Central Command Area of Responsibility.

Noong nakaraang mga araw kasi ay tinangka ng Iranian Navy ships na dukutin ang merchant vessels sa Strait of Hormuz at Gulf of Oman.

Hindi nagtagumpay ang tangka na ito ng Iran matapos sitahin sila ng US Navy na nakatalaga sa lugar.

Pinaigting ng US ang pagbabantay sa Middle East noong Mayo matapos na mapigilan nila ang mga hakbang ng mga Iran sa Persian Gulf.