-- Advertisements --
Nakatakdang magpakawala ang US ng 50 milyon barrels ng langis mula sa strategic reserves.
Ito ay matapos ang panawagan ng Organizations of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at mga kaalyado nito na magpakawala ng langis para mapababa ang presyo ng langis.
Ang nasabing hakbang aniya ay sa pakikipag-koordinasyon na rin sa mga bansang China, India, South Korea, Japan at Britanya.
Magugunitang makailang beses nananawagan na rin si US President Joe Bident sa OPEC na magpalabas ng langis subalit sinabi ng grupo na nagkukumahog na sila para makamit ang kanilang target sa pagdagdag ng productions.
Magpupulong pa sa Disyembre 2 ang OPEC para talakayin ang nasbing kahilingan ng US.